 |
shyheartFemale Philippines Nicknames: Shy Hobbies: Reading, cooking, paggawa ng mga crafts, makipaglaro sa mga pets ko, magcomputer, at mag recycle ng kung anu-ano lang, mahilig din sa sports Schools: OLOPSC, UST, TIP-QC Course: Chemical Engineering Birthdate: October 3
blogger friends:joyce jershey zane chabacz blaise ziggy joy confused bear storm ariel plue leigh
Can't help but wait [Intro:]
I can't help but wait
Ohh uh
Can't help but wait
Check it out
[Verse 1:]
I see you, you're with him
He ain't right but you don't trip
You stand by, while he lies
Then turn right 'round and forgive
I can't take to see your face, with those tears run down your cheeks
But what can I do
I gotta stay true
'Cause deep down I'm still a G
[Bridge:]
And I don't wanna come between you and your man
Even though I know I treat you better than he can
[Hook:]
Girl I can't help but wait
'Til you get that with him, it don't change
Can't help but wait
'Til you see that with me it ain't the same
Can't help but wait
'Til you, see you, for what you really are
Baby girl you are a star
And I can't help but wait
[Verse 2:]
Listen, it ain't fresh to just let him call the shots
You're a queen, you should be, getting all that someone's got
You should be rocking the latest in purses, bracelets, and watches, your worth
Much more than an occasional "I love you"
I'm thinking of you
[Bridge:]
And I don't wanna come between you and your man (No)
Even though I know I treat you better than he can
[Hook:]
Girl I can't help but wait
'Til you get that with him, it don't change
Can't help but wait
'Til you see that with me it ain't the same
Can't help but wait
'Til you, see you, for what you really are
Baby girl you are a star
And I can't help but wait
[Brakedown:]
Get it together
You can do better
See is believing
And I see what you need so
I'm gone play my position
Let you catch what you've been missin'
I'm calling out
[Hook:]
Girl 'cause I can't help but wait
'Til you get that with him, it don't change
Can't help but wait
'Til you see that with me it ain't the same
Can't help but wait
'Til you, see you, for what you really are
Baby girl you are a star
And I can't help but wait [x2]
[Outro:]
Oh - can't help but wait, babe
No-no-no-no-no-no
I can't help but wait
Oh-oh-oh, can't help but wait
No, no, no
href="http://www.lyricsdownload.com/mymp-lyrics.html">


My inner child is ten years old!
The adult world is pretty irrelevant to me. Whether I'm off on my bicycle (or pony) exploring, lost in a good book, or giggling with my best friend, I live in a world apart, one full of adventure and wonder and other stuff adults don't understand.
How Old is Your Inner Child? brought to you by Quizilla
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|
 |
 |
Sunday, January 01, 2006
have you ever been in love with an angel?
you make me smile...
you make my heart beat again...
but i must stop this feeling...again....
maybe wait 10 years from now before i could love you once more....
cause i know keeping you here would be too selfish...
i want you to explore the world first....
i want you to know what you want....
although i want you now, i can't keep you here....
but please can you just stay for a while....
keep my heart beating, keep me smiling, keep me hoping...
that love arrives in the most unexpected times...
in the most unexpected situations...
Posted at 3:39:28 pm by shyheart
Permalink
Saturday, November 05, 2005
paglalakbay ang nangyari ngayong araw na ito. pumunta kami sa laguna ng mga kaibigan ko. habang nasa bus nagkwekwentuhan kami ng aking kaibigan.
tseri: o kapatid musta ka na? anong bago?
ako: wala naman ganun pa rin. ay sandali may ipapakita ako sa iyo.
tseri: patingin! sino siya? e sino naman itong isa?
ako: yung isa crush ko, ang cute diba. yung isa gusto ko siya.
tseri: e anong pinagkaiba?
tseri: yung isa nasabi ko sa kaniyang crush ko siya na hindi nahihiya.
tseri: e ganun ka naman dati pa e, kayang kaya mo sabihin yun sa crush mo. e dun sa isa?
ako: hindi ko masabi sa kaniya.
tseri: hala seryoso yan kapatid. diba kapag hindi mo masabi mas malalim yung nararamdaman.
ako: oo ganun na nga.
tseri: naku kung ako sa iyo pakawalan mo na iyan. try mo tapos kwento mo sa amin pag nagkita tayo ulit.
ako: sana ganun lang kadali....
tseri: bakit naman?
ako: kasi ganito yun......
tseri: ano ba kapatid, sabihin mo na yan. mas ok na yung matapos na kagad.
ako: baka kasi kapag sinabi ko lumayo siya, o kaya ako naman ang lumayo. nakakahiya e, hindi ko pa ito nagagawa kahit minsan sa buhay ko. kaya kong magsabi dun sa mga crush ko, pero yun parang biro lang ang dating. pero iba kasi ito e.
sabay tingin sa malayo....muling sinabayan ng isip ang pagtakbo ng aming bus na sinasakyan....
Posted at 8:54:30 pm by shyheart
Permalink
Sunday, October 23, 2005
nandito pa ako! buhay pa! wahehe. medyo busy lang. saka naka block na kasi ang blogdrive sa office kaya ang tagal walang update. kumusta na ako?
sa career, as if meron. ok naman. masaya ako sa mundo ko ngayon.
sa love. ahh, next question please. hehe. sige konting kwento lang ha. nainlove ako. tapos yun lang. hindi ako pwedeng mahalin nung mahal ko, kasi may mahal na siyang iba. pero hindi ko naman sinabi sa kaniya. hindi ko din balak ipaalam.
may paborito akong text na nareceive pero hindi ko kayang gawin yung sinasabi dito. hindi ko kaya kasi duwag ako. share ko lang
"kapag mahal mo siya, sabihin mo. kahit alam mong walang kapalit yun. ang mahalaga nalaman niya. at kung magalit siya, sabihin mo: ang sabi ko mahal kita, hindi ko sinabing mahalin mo rin ako."
ang ganda diba. kung pwede nga lang sana. kung ganun lang kadali. pero hindi e.
hindi ako heartbroken. nasasaktan lang siguro ko dahil hindi maaring mangyari ang kagustuhan ko. pero tanggap ko.
life must go on.
Posted at 6:44:43 pm by shyheart
Permalink
Tuesday, August 30, 2005
ayan ibang topic naman ang isusulat ko kasi puro tungkol sa love, baka nagrereklamo na ang blog ko. hehe. napanood niyo ba yung episode ng imbestigador nung saturday. grabe parang comedy ang pinapanood ko. but come to think of it e napaka serious ng problema.
nagkaroon kasi sila ng research, nagtatanong sila ng simple questions sa karaniwang tao to test kung naaalala pa nila yung napag-aralan nila. these are some of the questions
Sino ang asawa ni Gloria Arroyo?
answer number 1: Joker Arroyo
answer number 2: Iggy Arroyo
answer number 3: (eto pinakamalala) Mikey Arroyo, ano ba incest ito!!!
Fill in the blank: Time is _____
answer number 1: Time is for eating, time is for playing, etc
answer number 2: Time is chow (ano yun)
answer number 3: (eto nabaliw ako) Time is......wala ako relo ngayon e.(wahaha)
What is the our National fruit?
answer number 1: grapes, ay mali apple...(sige icorrect mo pa)
answer number 2: banana, este lakatan kasi yun ang favorite ko e...(huhuhu)
Kakabaliw na mga sagot diba, actually marami pang iba at talagang sasakit ang ulo mo kakatawa.
Ano na ba nangyayari sa Pilipinas? Sabi nila dahil daw wala ng natututunan sa eskwelahan. Kulang sa mga silid. sa isang silid ba naman e may 80 students, siyempre maingay yun at mainit kaya hindi na makakapag concentrate ang mga estudyante. isama pa ang ibang mga gurong palpak magturo. mali mali ang binibigay na impormasyon. at pati ang mga librong ginagamit mali mali na rin.
Hindi dapat isisi sa kakulangan sa libro, sa guro o sa mga pasilidad sa eskwelahan ang matututunan ng estudyante. hindi rin dapat isisi sa kahirapan kung kaya hindi ka nakakahabol sa mga aralin. naniniwala ako na nasa tao din kung gusto niyang matuto. madaming ibang paraan.
Naisip ko na naman tuloy ang pagiging guro. gusto ko talagang magturo, sa mga barrio. ok lang sa akin na umakyat ng bundok o kaya hindi maswelduhan. kaya ko naman siguro buhayin ang sarili ko sa ibang paraan. gusto ko makatulong sa mga kabataan para naman maging handa sila sa mga pagsubok ng buhay. mahalaga na marunong kang magbasa at magsulat, pero higit pa dun ang kelangan matutunan. handa akong maging gabay nila.
kelan ko kaya makakamit yung pangarap ko, ang dami pa hadlang sa ngayon pero isang araw gagawin ko yun. magiging masaya ako kahit na isang estudyante lang, dalawa o tatlo ang maturuan ko. hindi mahalaga ang bilang, ang mahalaga mayroon akong matulungan mabago ang kinabukasan.
Posted at 1:05:19 am by shyheart
Permalink
Saturday, August 27, 2005
Kapag ako ay Nagmahal
Ibibigay ang lahat-lahat
Handa kong gawin
Lahat ng iyong hiling
Sukli man ay sugat sa puso
Karamay ka
Sa hirap at saya
Masaktan mo man damdamin ko
Ako'y nandyan pa rin
Sa iyong tabi
* Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito'y magagawa
Hindi magbabago
Hindi maghahangad
ng anumang kapalit
# Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako
Hindi ko ito ikakahiya
Handa akong magtiis
Kapag ako,
Kapag ako ay nagmahal
Sa iyo lamang
Iikot aking mundo
Sa akin balewala
Sasabihin ng iba
Basta't alam ko mahal kita
(Ulitin * at #)
Hindi ka man maging akin
Lahat ng ito'y gagawin
Kapag ako,
Kapag ako ay nagmahal...
Ano ba itong kantang ito. narinig ko kasi sa commercial ng extra challenge. guest nila sila marvin at jolina. bigla ko tuloy naalala yung highschool days, hindi ba sila ang sikat na love team nun. kung napanood niyo yung mga challenges sa kanila, nakakaaliw. at mas naaaliw ako dahil kahit hanggang ngayon ang galing pa rin nilang makahatak ng crowd at nandun pa rin yun rapport nila sa isat'isa. e diba totoong naging sila.
ano kaya ang naramdaman nila nung nagkita sila? ano din kaya ang mararamdaman mo kapag makita mo ang ex mo. papansinin mo ba siya, kakausapin at kukumustahin? o dedma. depende siguro sa paghihiwalay.
punta naman tayo sa lyrics ng kanta, nakakatawa hindi ba, parang ang corny. pero aminin mo totoo ito. totoong gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo. magmukha ka mang tanga kahit ayaw mo sana e hindi mo mapigilan.
ang lungkot pala nitong kanta. ang lungkot dahil may mga taong nakakaramdam ng sakit dahil sa pagmamahal. may mga taong iiyak at dudurog sa kanilang pagkatao dahil lang sa pagmamahal. hay ang hirap talagang magmahal pero handa naman pala tayong tiisin lahat ng ito dahil dito tayo sasaya. ang gulo diba. masayang malungkot nga ang magmahal....
Posted at 6:42:47 am by shyheart
Permalink
Tuesday, August 23, 2005
ilang beses ba kelangan magbigay? ilang beses ba kelangan magsakripisyo para mapaligaya kita? ang daya mo, lagi na lang siya ang kinukwento mo. ako ba kinukwento mo rin sa kaniya? hmm sa palagay ko hindi, hindi naman ako importante sa buhay mo e. e bakit ikaw isang tawag lang, isang text lang nagkukumahog akong puntahan ka. alam ko kasi may problema ka, kelangan kitang damayan. nakakapagod na ang ganito. lagi na lang ba ako ang iiyakan mo sa tuwing may problema kayo?nakakainis ka na ha, hindi kita mayakap dahil baka masabi ko sa iyong mahl kita. pinahihirapan mo ako. ayaw kitang hawakan dahil baka hindi na kita bitiwan.
ayaw ko na nga, kelangan na kitang layuan baka kasi magulo ko lang ang buhay mo. kelangan ko munang lumayo para kalimutan itong nararamdaman ko para sa iyo. hindi bale alam ko naman na may mag-aalaga sa iyo. hindi mo ako kelangan.
sorry ha, hindi ko sinasadya. hindi ko sinasadyang mahalin ka. bigla na lang akong nagising isang araw, hinahanap hanap ko ang presensiya mo, gusto ko laging marinig ang boses mo. pasensiya ka na siraulo kasi ang puso ko e. sinabi nang huwag magmahal sa may mahal na iba e hindi pa rin nagpapigil. huwag ka mag-alala, hindi ko kayo guguluhin. patuloy mo lang siyang mahalin. lalayo ako, hanggang sa makalimutan ko ang damdamin ko para sa iyo. gusto kong lumigaya ka. malaman ko lang na masaya ka sa piling niya, kaya ko nang ngumiti kahit na sa loob ko ako ay nagdadalamhati.
huwag ka mag-alala sanay na ako. sanay na magsakripiyo para sa taong mahal ko.
Posted at 7:18:13 am by shyheart
Permalink
Sunday, August 21, 2005
tatlong taon....ang tagal na pala...ang tagal na pala akong nag-iisa. ang tagal ko na palang inilalayo ang sarili ko sa mundo. ang tagal na palang wala kong pinapapasok sa buhay ko, sa puso ko.
sabi ko sa mga kaibigan ko, "ok lang naman ang maging single. naeenjoy ko ang buhay ko." pero bakit sa aking paglalakad hinihiling ko na sana may kasama ako ngayon. sana may kausap, sana may kahawak kamay.
sinasabi ko na lang sa sarili ko "ano ba, kasalananan mo naman yan diba, yan ang gusto mo kaya magdusa ka!" haha. nakakatuwa pero parang napakahirap lumingon sa paligid. baka kasi may makita ako na magpapaiba ng takbo ng buhay ko. hindi ko alam kung handa na ako. yung may maririnig kang kakaibang tunog pag nakita mo siya, sign ba ito? weird!! pero sabi ng kaibigan ko nakarinig siya ng ganun. "baka naman nasisiraan ka na ng bait?" e wala naman talaga siyang bait. sabi niya, " basta hindi rin ako naniniwala dun dati pero alam mo yung parang may tunog sa simbahan nung nakita ko siya, nakakatawa talaga. pero alam kong noon pa lang eto na ang binigay sa akin para makasama ko habang buhay." sabi mo nga e.
ang dami na kasing nangyari sa buhay ko kaya nawawalan na ako ng tiwala dun sa tinatawag nilang pag-ibig. ang hirap kasi e. parang kukuha ka lang ng batong ipupukpok mo sa ulo mo. sandali lang ha paalala, hindi ako bitter... hehe. opinyon ko lang ito kaya sana huwag niyo akong paslangin.
naging masaya din naman ako e, pansamantala nga lang. pagkatapos mas matagal na pagdurusa. ano ba itong mga entry ko puro na lang sa pag-ibig e wala naman ako nun. kasi naman e basa ako ng basa tungkol sa mga entries na puro kasawian kaya kahit pinapatahimik ko na ang mundo ko e nagugulo na naman ang isip ko.
makakatagpo din daw ako ng taong magiging worth all the pain and sacrifices. yaah right! hindi sarcastic ang tono nun. ulitin natin, yaaaahh right!
ah basta ako katulad ng sinulat ko sa aking friendster account, i just want o meet someone who will make me believe in love again. period...
Posted at 1:54:19 am by shyheart
Permalink
Saturday, August 20, 2005
and daming beses na akong nabaliw dahil sa bwisit na pagmamahal na yan. ang daming beses ko na rin umiyak, nadurog ang puso, tinapak tapakan ang sariling pride dahil lamang sa kabaliwan. lilipas ang ilang araw, ang ilang buwan, ang ilang taon pero naaalala ko pa rin siya. ayaw ko na atang magmahal dahil katulad na naman ng gulong na paikot-ikot, e alam kong iiyak na naman ako sa huli, magmumukhang tanga at madudurog ang puso. magpapakatanga.
ang saya ng umpisa, kapag simula pa lang ang pag usad ng gulong. magsisimula sa ibaba, mabagal at unti-unti kang dadalhin sa itaas. yun ang mga panahon na nagkakakilala pa lang kayo, nagkakasama lagi, nadidiskubre mong nagkakapuwang na siya sa iyong mundo at gusto mo nga siyang makasama dito. biglang nagkakaroon ang dahilan ng iyong pag galaw, nagkakroon ng rason kung bakit ka narito sa mundo.
sa pag-usad ng gulong may madadaanan kayong lubak, sabay kayong nasasaktan pero ok lang kaya pa yan. umusad na naman ang gulong at may nadaanan ulit kayong mas malalim na lubak, nagsisimula ng magsawa sa ganitong galaw ang kasama mo pero patuloy pa rin siyang sasama sa inyong paglalakbay. isang araw na umuulan, mabagal na ang takbo ng gulong, hindi na gaanong makita ang daan, biglang may nadaanan kayong isang malalim na lubak, at ang masama pa may mga pako pala sa lubak na iyon. nabutas ang gulong. nagsawa na ang iyong kasama at iniwan kang nag-iisang nakalubog sa tubig ng ulan. nag-iisa sa madilim na lansangan.
akala mo hindi ka na makakaalis pa sa iyong kinalalagyan. huminto bigla ang pag usad ng gulong. wala ng lakas pang tumakbo. nawalan ng direksiyon. hanggang isang araw may nakakita sa iyo, nakita niya na ang iyong halaga at inalagaan ka para maging maganda ulit ang iyong kondisyon. nagliwanag na naman ang iyong buhay. nagkaroon na naman ng rason para tumakbo.
patuloy lang ang pag-ikot ng gulong ng pag-big. magiging maligaya ka, luluha, at babangon ulit. ang mahalaga lang pilitin mong bumangon ulit. umusad ulit at bigyan ng direksiyon ang iyong buhay. dahil ano pa man ang mangyari mayroon ka pa ring halaga, kelangan mo lang makita.
Posted at 2:00:29 am by shyheart
Permalink
Sunday, August 14, 2005
bakit hindi mo idilat ang iyong mga mata? hindi mo ba nararamdaman? bakit mo siya binabalewala? dahil ba alam mong mahal ka niya.
sa tuwing ika'y kanyang nakikita nag-iiba ang kislap ng kanyang mata.napakaswerte mo dahil ikaw ay kanyang inaalala. napakaswerte mo dahil bukambibig ka niya. iba ang ngiting sumisilay sa kaniyang labi kapag ikaw ang kanyang kausap. ramdam na ramdam ko ikaw ang nagbibigay ng kulay sa kaniyang mundo, ang dahilan kung bakit patuloy ang pag-inog nito.
alam kong siya ay nasasaktan dahil sa iyong pagtalikod.pero mas pinili niyang palayain ka dahil labis ka niyang mahal. kaya niyang isakripisyo ang kanyang kaligayahan malaman lamang na ito ang makapagpapasaya sa iyo.
sayang na pag-ibig. pag-ibig na hindi natugunan.
lubhang napakadaya ng pag-ibig.
Posted at 12:05:00 am by shyheart
Permalink
Thursday, August 11, 2005
hay ang dami ko gusto sabihin dito kaso hindi pwede. e bakit ko pa sinabi!!!! wahaha. nang-aasar lang. miss ko na kasi mag blog. miss ko na ang mga sandamukal na comments. baliw nga daw ako e. itetext ko mga kaibigan ko to update them about my life at ang dami daw bang pangaral na ibigay. halleerrr! minsan minsan na nga lang e.
ang gulo na naman ng entry ko, walang katuturan. ewan. meron kasi akong gustong sabihin kaso pag-iisipan ko muna kung pwedeng pang public consumption. grabe hirap ng may tinatago. as much as i would like to tell the whole world all about it hindi ata pwede baka madaming pumaslang sa akin.
hindi bale masaya naman ako ngayon kahit windang sa trabaho. kulang sa tulog. kulang sa pagamamahal, well where did that come from.
naalala niyo pa ba yung entry ko na serendipity. yung guy na gusto ko, he is leaving this month. well we are still friends at mukhang ganun na lang kasi naman nakakainis siya. para kasi siyang palitaw, lulubog lilitaw! ok lang naman. buti na lang hindi ko siya minahal kung hindi iiyak na naman ako.
ayun lang ang kwento ko sa inyo, sabi ko sa inyo walang katuturan e. pero meron akong secret, yun masayang pagkwentuhan pero hindi pa rin pwede, pilitin niyo muna ako!!! wahaha. hindi pwede...pilit muna :p
Posted at 6:33:57 am by shyheart
Permalink
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|