|
Walang laman. Paulit-ulit. Nakakasawa Yun parang gigising ka, gagawin mo yung mga lagi mong ginagawa. Kakain, maliligo at pupunta na sa office. Pagkatapos ng siyam na oras sa trabaho uuwi na, kakain ulit at matutulog. Pauli-ulit sa araw-araw.Tapos hindi mo namamalayang 5 taon mo na pala halos ginagawa ito. Oo nga minsan lalakad ka kasama ang barkada, pamilya at mahal sa buhay pero pagkatapos uulit na naman sa dati. Nakakabagot na. Ano nga ba ang susunod? May susunod pa nga ba? Ang hirap isipin, ang sakit sa ulo. Andami ko kasing plano pero puro plano lang. Mas madalas ngayon lumilipad lang ang isip ko. Binubuo ko ang ang mga pangarap. Ang sarap palang ipikit ang mata at lumipad sa ibang mundo. Sa mundong pinapangarap mo. Minsan ayoko ng dumilat at makadinig ng boses dahil alam kong pagdilat ko babalik na naman ako sa aking mundo. Sa mundong gumagalaw, sa mundong maingay, sa mundong magulo. Pero bakit parang hindi umiikot ang mundo ko? Bakit ganito ang pakiramdam ko?
|
| Leave a Comment: |