Entry: ano ang namimiss ko? Tuesday, February 10, 2009



namimiss ko na ang pumunta sa baguio. ang malamig na bus, ang nakakahilong byahe. ang malamig na klima paglabas ng bus.

namimiss ko na ang pakiramdam ng naeexcite na makita ka. yung ilang araw akong hindi makatulog dahil gusto ko nang hilain ang araw para magkita na tayo. namimiss ko na ang pagplaplano ng mga gagawin natin kapag magkasama na tayo.

namimiss ko na ang mata mo na nawawala kapag tumatawa ka na. namimiss ko na ang kamay mo na umaakbay sa akin at humahawak sa aking kamay tuwing tayo ay naglalakad. namimiss ko na ang mukha mong hindi ko napagsasawaang tingnan kahit sa iyong pagtulog. namimiss ko na ang pagdala mo sa akin  ng pagkain pagkagising natin sa umaga. namimiss ko na ang pag-aalaga mo. namimiss ko na ang pagmamahal mo.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments