Entry: bakit ba nandito pa ako Monday, November 02, 2009



madalas kapag may nagkwekwento sa akin ng kanilang lovelife at kamartyran e parang gusto ko silang batukan at sabihing "alam mo naman kung ano ang tama diba, kung mahal ka niya e bakit sinasaktan ka niya, bakit ka umiiyak ngayon, at bakit kahit pa ilang timba ang iniiyak mo e parati ka pa ding bumabalik sa kaniya? nagsasayang ka lang ng oras mo at marami pa naman iba dyan,  huwag kang magpakatanga."

yan din dialogue ko sa sarili ko ngayon. ang hirap pala. kahit ayaw mong magpakatanga at kahit ayaw mong mabansagang martyr e kapag ikaw pala ang nasa sitwasyon hindi pala ganun kadaling umalis nalang. hindi ganun kadaling sabihin sa sarili ko na hiwalayan mo na sya kasi lagi ka nalang umiiyak. hindi madaling talikuran yung taong nagbigay din naman sa iyo ng saya. ang hirap pala.

parang naduduro ang puso ko, hindi ako makahinga, hindi ako makaiyak kasi hindi nila pwedeng makitang umiiyak ako, gusto kong sumigaw pero hindi din pwede kasi baka magtanong sila. ang hirap ng ganito. inilalabas ko lang ang nararamdaman ko dito kasi wala naman ako makausap.

siguro maraming nararanasan ang pinagdadaanan ko, at yung iba e hindi lang ito, mas malaki pa ang problema nila. habang naglalakad nga ako last week e naisip ko din naman na wala akong karapatang magreklamo dahil hindi naman talaga malaki ang problema ko, problemang puso lang ito. maswerte pa din ako.

pasensya na kayo hindi organized ang thoughts ko. at least medyo lumuwag na ang nararamdaman ko. salamat sa buhay ko. alam ko may planong maganda para sa akin si Lord. salamat po.

   1 comments

Custom Term Papers
November 19, 2009   10:13 PM PST
 
A great article indeed and a very detailed, realistic and superb analysis of the current and past scenarios. I would like to thank the author of this article for contributing such a lovely and mind-opening article.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments